
"one day" by joka
Isang Araw (III)
Isang araw
Gumising silang ang bawat isa ang iniisip
Nanghihinayang sa nakaraan
Napansin nila
Ang magandang anyo ng umaga
Sa lasa ng kape, sa hedlayn sa dyaryo
Tiningnan nila ang orasan
At nag-isip maya’t-maya
Kung pagbibigyan ang nararamdaman
Magkasamang mababasa sa ulan
Magkasamang manananghalian
Magkasama, nagmamahalan
Buong maghapon
Paulit-ulit silang natigilan
Sa bawat pagsagi sa isip ng isang pangalan
Naalala ang bawat isa
Sa mga kanta sa radyo
Sa dagat, sa mga ulap, sa alab ng bawat puso
Hindi lumipas ang gabi
Hinanap at nagkausap
Nakahigang nagkwentuhan sa telepono
Natulog silang
Nananaginip at nangangarap
Na ang sigaw ng kanilang mga puso’y
sana…
masabi
na.
Isang araw
Gumising silang ang bawat isa ang iniisip
Nanghihinayang sa nakaraan
Napansin nila
Ang magandang anyo ng umaga
Sa lasa ng kape, sa hedlayn sa dyaryo
Tiningnan nila ang orasan
At nag-isip maya’t-maya
Kung pagbibigyan ang nararamdaman
Magkasamang mababasa sa ulan
Magkasamang manananghalian
Magkasama, nagmamahalan
Buong maghapon
Paulit-ulit silang natigilan
Sa bawat pagsagi sa isip ng isang pangalan
Naalala ang bawat isa
Sa mga kanta sa radyo
Sa dagat, sa mga ulap, sa alab ng bawat puso
Hindi lumipas ang gabi
Hinanap at nagkausap
Nakahigang nagkwentuhan sa telepono
Natulog silang
Nananaginip at nangangarap
Na ang sigaw ng kanilang mga puso’y
sana…
masabi
na.
____
This is my first poem that is inspired by ******. Actually, this poem is also influenced by previous poems in SPIRES ( isang araw in SPIRES vol. 44 & 45). The poem describes what I exactly felt when I was writing it. It is definitely a reflection of my heart. :p
<< Home